*
Wednesday, July 18, 2012
ANG RETORIKA AT MABISANG PAGPAPAHAYAG
ANG RETORIKAAT ANG MABISANG PAGPAPAHAYAG
Ang retorika ay tumutukoy sa sining ng maayos, malinaw, mabisa at kaakit-akitna pagpapahayag upang maunawaan at makahikayat sa mga nakikinig at bumabasa.Dalawang kawastuan ang kinakailangan sa pagpapahayag : ang kawastuang pambalarilaat ang kawastuang panretorika. May dalawang uri ng pagpapahayag : (a) pagpapahayagna pasalita at pagpapahayag na pasulat.
DALAWANG SANGKAP NG PAGPAPAHAYAG
May dalawang mahalagang sangkap ang pagpapahayag : (a) nilalaman at (b)pananalita. Sinasabing may nilalaman ang isang pahayag kung may mga sumusunod : (a)may pahatid o mensaheng mahalaga (b) may mahalagang impormasyon o pabatid (c)may kaalamang mapapakinabangan (d) kapupulutan ng magandang halimbawa at (e)makalilibang.
Mga Maaaring Pagkunan ng Nilalaman
Ang mga sumusunod ay maaaring pagkunan ng mga nilalaman:
1.Karanasan
May kasabihang pinakamagaling na guro ang karanasan sapagkatwalang taong nabubuhay mula sa kanyang kabataan hanggang sa kanyang pagtanda nahindi dumanas ng mga karanasan sa buhay. Ang karanasan ng isang tao ay hindi angnaganap na pangyayari sa kanya kundi kung ano ang ginawa niya sa pagyayari sakanyang buay upang siyay magtagumpay na malutas ang kanyang suliranin, ng kanyangmga kasama at maaaring ng sangkatauhan.
2. Pakikipanayam
Maaaring makakuha ng mga kabatiran sa pamamagitan ng paglapitat pakikipanayam sa mga dalubhasa sa kani-kanilang larangan. Kinakailangan ihandamuna nang maayos ang mga katanungan bago makipanayam nang maiwasangmaaksaya ang panahon. Dapat isaalang-alang ang mga sumusunod sa pakikipanayam :(a) mga tanong na sasagot sa mga kaalamang kailangan (b) nakipagkita sakakapanayamin sa araw at oras na kanyang itinakda at (c) maging magalang sa taongkinakapanayam. Matapos ang pakikipanayam, dapat pasalamatan ang taongkinapanayam.
Sining
“Sining”, isang salitang nagpapahayag ng kagandahan o “beauty”. Iba-iba ang uri nito, nandiyan ang sining sa pagsusulat, pag-guhit, pag-awit, pagdudula o pag-arte, pagdidisenyo at maging ang pag-iisip ay isa rin uri ng sining (art of thinking). Madalas din natin itong makikita sa mga museo, eksibisyon at tanghalan ng sining at iba pang lugar o dausan na may kinalaman sa sining. Ngunit ang hindi natin batid na ang sining pala ay makikita rin sa lahat ng paligid; sa tahanan, sa paaralan, sa trabaho, sa simbahan at sa komunidad. Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng sining at paano ba ito ipinahahayag?
ANG MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Ang Masining na Pagpapahayag - ay sadyang inihanda upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga
estudyante sa antas tersyarya tungkol sa mabisa, kaakit-akit at
epektibong pagpapahayag maging ito man ay pasalita o pasulat.
Ang Masining na Pagpapahayag ay pag-aaral ng mga prinsipyo at proseso ng masining na pagpapahayag sa Filipino. Nakatuon ito sa malayang pagtuklas at pagpapakita ng kakayahan at kahusayan sa pagdidiskursong pasulat at pasalita tungkol sa mga paksang pangkomunidad, pambansa at pandaigdig.
Ang Masining na Pagpapahayag ay pag-aaral ng mga prinsipyo at proseso ng masining na pagpapahayag sa Filipino. Nakatuon ito sa malayang pagtuklas at pagpapakita ng kakayahan at kahusayan sa pagdidiskursong pasulat at pasalita tungkol sa mga paksang pangkomunidad, pambansa at pandaigdig.
Subscribe to:
Posts (Atom)